-isang taong umibig na agad ng iba
kahit kagagaling lang sa napakasakit na break-up. naranasan mo na bang maging panakip-butas?
ung ginamit ka lang para makalimot?maging substitute? maging band-aid? ung maging first-aid sa broken hearted?eh ung maging pain reliever sa masakit nyang nakaraan? naranasan mo na bang maging rebound sa isang relasyon? sa una masaya pa dahil nakakareceive ka pa ng mga sweet messages galing sa kanya,ung paggising mo palang sa umaga pangalan na nya makikita mo sa cellphone mo. katext mo sya buong araw. mula paggising sa umaga at hanggang sa matulog sa gabi. minsan nga napupuyat kapa kase katext mo pa sya. ung tipong sya lang katext mo sa buong araw. ayaw mo nang kumain,maligo at maglinis nang bahay kase katext mo sya. ung iba nga nagiging mag-on ,pero yung iba mas piniling maging MU nalang. Hanggang sa lumipas ang ilang araw, ilang linggo at ilang buwan. Minsan naiisip mo na MAHAL NYA BA TALAGA AKO?o REBOUND LANG AKO? Alam na nga natin na REBOUND lang tayo, pero pinagpapatuloy pa natin to.kahit alam natin na mahirap maging panakip-butas, maging substitute, maging band-aid, maging first-aid, maging pain relieverat maging pampalipas oras. Parang pinaglalaruan lang tayo. Pero tatanggapin mo to kase mahal mo sya. kahit alam nating ginagamit lang tayo para makalimot para maalis ang hapdi ng nakaraan nila.Tanga ka, kase kahit ganon ang ginawa nya sayo. Mahal mo parin sya.kahit ang sakit-sakit na... oo, masakit maging rebound, Kasi akala mo mahal ka talaga nya pero hindi, ginamit ka lang nya para makalimutan ang nakaraan nya. =( pero ganyan naman talaga diba? LAHAT NG NAGMAMAHAL, NAGPAPAKATANGA :|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento